|
[10 Jul 2009|10:13pm] |
gusto kong umiyak
masyado yata akog madaming iniisip ngayon
una sa lahat, hindi pa tumatawag yung pinaka-hihintay kong tawag pangalawa, hindi pa ako tinatawagan ulit nung Mr. Tanaka para sa trabaho pangatlo, nagbayad ako ng napaka-mahal na tax kapalit ng kaligayahan at pang-apat, ayoko munang mastress ulit ng grabeng-grabe
parang kaninang umaga tutulo na yung luha ko
pero hindi nangyari, bato na ata ako. sana hindi naman siguro
gusto kong mahimasmasan
pero paano? yay panda
|
|
|
[08 Jul 2009|10:15pm] |
|
I just heard a cover of Mariko Takahashi's For You. It was beautiful.
|
|
|
[24 Jun 2009|01:23pm] |
okay, after almost two weeks of pressure and stress, I am so relieved that it's all over. about two weeks ago, one of the embassies called me up saying that I was qualified to take an exam to study abroad god, I was so happy.
isa lang ang masasabi ko, NAPAKAHIRAP mamatay-matay ako habang nag-sasagot kahapon.
but something else happened, something weird I hope that the weirdness gets me there please let it be.
what my friend made me realize about all this is that we don't actually go abroad for nothing. he said, "being able to go to that place is like studying. Not all people can afford to study, and we're given the chance to study because we do it for those who can't. At the same time, not all people can go to that place. You've been given the chance to go there and you're going for those who haven't been given the opportunity"
tama siya madrama pero totoo hayy buhayy
|
|
| bring it on, pain |
[17 Jun 2009|06:03pm] |
nagpapasalamat ako at isa sa mga hinihintay kong tawag ay dumating na sa wakas. Nung nakaraang linggo tinawagan ako para sabihin na nag-qualify ako para sa qualifying exam. Madami kasing proseso at nagpapasalamat na lang ako at nalampasan ko na ang unang hurdle. Dalawang hakbang na lang, andun na ako. Hindi ako papayag na hindi ako makarating sa dulo, kaya naman nagpapakadalubhasa ako ngayon. Mahirap pero kailangan ko gawin ito. Hindi pwedeng hindi. Meron pa akong limang araw para karireen yung mga reviewer ko. Tatlong beses ako sa isang araw nag-aaral simula kahapon. Syempre hindi ko nakakalimutan kumain, manood ng tv, at maglakwatsa pero medyo bawas bawas. Ipagmamayabang ko pa na mas onti ang oras na ginugugol ko sa tv ngayon para makapag-concentrate ako.
birthday ngayon ng dad ko kaya kakain ako ng marami.
birthday naman nung kaibigan kong si mahiro nung monday pero hindi ko siya nabati ng matino. Nawala ko yung bagong cellphone number at cellphone e-mail niya kaya nagpost na lang ako sa multiply niya. Miss na miss ko na siya. Sana mabuti ang kanyang kalagayan.
birthday ng pinsan ko sa friday kaya party nanaman
happy birthday sa kanilang lahat. alis na ako bye
|
|
|
[01 Jun 2009|08:46pm] |
madami akong hinihintay ngayon. Yung resulta nung pinag-applyan ko na paaralan, yung liham na pinangako sa akin nung isa kong kaibigan, at ang tawag ng maraming kompanya na pinagbabakasakali kong pagtrabahuhan. Isa lang ang masasabi ko dyan. TIME WAITS FOR NO ONE. haha kaya sana eh kahit isa man lamang sa hinihintay ko ay dumating na dahil nakakafrustrate ang paghihintay. gusto ko na ulit magkaroon ng silbi sa buhay at ng hindi ako dinadatnan ng sakit. Napansin ko lang sa mga nakaraang taon eh nagkakasakit ako hindi dahil sa pagod at puyat kundi dahil wala akong ginagawa. Parang nasanay na yung katawan ko sa pagod stress whatever at bumaliktad na ang situasyon ng katawan ko. Ayokong nagkakasakit eh. Kapag may sakit ako, grabe lumalala yung insomnia ko at napaparanoid ako. Hindi maganda para sa face hahahahaha.
wala pala akong ginawa buong linggo kung hindi kumain. Ibang level na swine flu itong na-eexperience ko, ang baboy syndrome. Kain Tulog lang. Hindi maganda. Kailangan ko ata mag-exercise at hindi na ako na-aarawan. Lalo na ngayon simula na ng tag-ulan. Hindi maganda ang panahon.
|
|
|
[27 May 2009|09:57pm] |
|
i think i will cry.
|
|